Skip to content
Android will become a locked-down platform in September 2026. This will affect Hachimi Edge. See how you can help.

Mga FAQ ​

Paaano gumamit ng ibang mods kasama ang Hachimi Edge? ​

Tignan ang load_libraries na opsyon sa Config page. Tandaan na hindi gagana ang mga ilang mod sa pamamaraang ito; hindi talaga sila designed para gamitin sa isa't isa.

Tapos nang mag-install ang update pero hindi pa rin sila translated. Bakit? ​

Baka tapos na silang mag-install, pero hindi pa nilo-load ng laro ang mga bagong translations. Mag-navigate lang sa isa pang screen (na nagti-trigger ng loading screen) at makikita mo sila.

Pwede pa ba akong maglaro habang naga-update pa ang mga translations? ​

Oo, okay lang na magpatuloy sa paglalaro habang ina-update pa ang mga translation data, ngunit pakitandaan na naka-disable ang translations habang naga-update at mawawala sila kapag umalis ka sa kasalukuyang screen sa laro. Babalik din sila kapag tapos na sila mag-update at nilo-load ng laro ang mga ito (tignan ang itaas).

Hindi ko sinadyang sinara ang laro habang naga-update pa rin ang translations. Ito na ba ang aking katapusan? ​

Hindi, buksan mo lang ulit ang laro at tatanugin ka ulit na magsimulang i-download ang mga translations sa simula.

Ano ung .tl_repo_cache na file sa aking Hachimi folder? Pwede ko to kainin? ​

Hindi, ginagamit ito para i-track ang kasalukuyang estado ng mga translation files para sa incremental updates; huwag ito baguhin o burahin.

Mayroon bang version o ibang mod para sa Apple devices (iOS)? ​

Hindi. Napaka-locked down ang Apple devices, mahirap gumawa o mag-install ng mga mod para sa mga iyon dahil diyan.

Paano i-uninstall ang Hachimi? ​

Windows: May uninstall option ang installer. Kung hindi na yan nasa iyo, i-download lang ang pinakabago at gamitin iyan.
Android: Kailangan mong i-uninstall ang patched na version at i-install ang orihinal.

Maba-ban ba ako kapag gamitin ko ang Hachimi? May mga ban na bang nangyari? ​

Nilalabag ng Hachimi at mga parehong tool ang TOS. Lagi mong dinadala ang panganib. Ito ay gayunpaman hindi malamang, at walang naitalang ban na nangyari kaugnay sa Hachimi o iba pang translation tools mula noong 2022.

Parang na-ban ako, paano ko talaga malalaman? ​

Ito ang ipapakitang mensahe kapag banned ka: Access to your account has been restricted

Maaari ko bang laruin ang Global at JP version nang sabay-sabay? ​

Oo, pero may kailangan kang gawing workaround kapag nilalaro mo ang DMM version, sundan ang mga hakbang na ito.

Ano ang mga pagkakaiba sa mga Mode ng Pag-Update sa Physics? ​

Ito ang mga mode na internal na tinutukoy ng laro, at hindi ipinatupad ng Hachimi. Kaunti lang ang nalalaman tungkol sa mga ito.

  • ModeNormal ang default.
  • Mukhang naibabalik ng Mode60FPS ang ilang physics movements kapag pinapataas ang framerate, ngunit maaari pa ring maging medyong buggy minsan.
  • Hindi alam ang parehong SkipFrame modes pero mukhang pareho silang sira.

Paano mag-update sa Android? ​

Impormasyon

Kinakailangan lang ang pag-uninstall ng laro para sa pinakaunang install, hindi para sa anumang updates.

Laro ​

Ang notification sa pag-update mula sa Play Store ay nangangahulugan na kailangan mong i-update ang laro mismo sa pamamagitan ng pag-download ng pinakabagong APK ng laro. Pagkatapos ay kailangan mong i-install ang mga bagong file na iyon sa pamamagitan ng UmaPatcher, na siyang maga-apply din ng pinakabagong available na Hachimi Edge release.

Sundan ang install guide mula sa step 4.

Hachimi ​

Kapag may bagong bersyon ng Hachimi na na-release, maaari mong piliin na i-install para sa mga bagong features at updates. Hindi mo naman kailangan na gawin mo ito kaagad. Ang paggawa nito ay nangangailangan ng pag-patch muli.

Sundin ang install guide mula sa step 5 para i-reinstall ang kasalukuyang game version, or mula sa step 4 kapag hindi na nasa iyo ang mga pinakabagong APK ng laro.

UmaPatcher ​

Dahil ang UmaPatcher ang tagatulong para sa pag-patch at pag-install ng laro, kinakalangan lang itong i-update sa ilang mga kaso, tulad na kung nagkakaroon ka ng anumang isyu sa pag-install. Wala itong benefits sa laro. Sa katunayan, basta't wala kang anumang problema, inirerekomenda namin ang paggamit ng iyong kasalukuyang bersyon.

  1. Kung di mo pa ito ginagawa, pumunta sa Settings -> Export signing key.
  2. I-download at i-install ang pinakabagong UmaPatcher Edge, na naga-update sa app in-place.
  3. (Opsyonal) Magpatuloy sa sinusubukan mong gawin.

Pinatay ko ang Hachimi GUI/Overlay, paano ko to buksan ulit? ​

Una sa lahat, baka ginawa mo ito bilang workaround sa Android. Naayos na ang isyu na ito mula noong v0.15.1, kaya tignan mo kung nag-update ka na sa pinakabagong Hachimi Edge version.

Buksan ang config file ng Hachimi Edge (config.json) sa text editor at palitan ang disable_gui value mula true sa false, at i-restart ang laro. Nakalagay ang hachimi folder sa loob ng installation folder ng laro. Kung di ka komportable sa paggawin nito o magkaroon ka ng mga isyu, mas-ligtas na burahin na lang ang config file. Gagawin muli ng Hachimi Edge ang file na may mga default.

Paano ko hanapin ang install folder ng laro? ​

Steam: I-right-click ang game sa Steam -> Manage -> Browse local files

DMM: I-click ang 3 dots sa tabi ng pangalan ng laro sa DMM -> 🛈 icon -> 📁 icon

KomoeGame: I-click ang settings icon -> Resources -> Locate Game Files

Android: Hindi ito karaniwang naa-access, pero nakalagay ang ilang data sa Android/media/jp.co.cygames.umamusume (maaaring mag-iba depende sa phone brand). Para sa full access, kailangan mong i-patch ang laro na may "Export internal data documents provider" na patch ng Revanced at gumamit ng file explorer na may document provider selector o naka-root ka at i-access ang /data/data/jp.co.cygames.umamusume/files. (Ang mga tutorial kung paano gawin ang mga ito ay wala sa saklaw ng proyekto, kaya gamitin ang Google.)