Skip to content
Android will become a locked-down platform in September 2026. This will affect Hachimi Edge. See how you can help.

Guide sa pag-install (Android)

DANGER

Madaling magkamali sa pag-install sa Android. Basahing mabuti ang pahinang ito!

Ang paraan nito ay ang pag-patch ng Hachimi Edge sa APK ng laro. Gumagawa nito at nag-i-install ng bagong, hiwalay na app, na maaaring magresulta sa karamihang isyu.

Bukod pa rito, maraming bagay ang maaaring magkamali depende sa iyong device o version ng Android. Palaging isama ang mga ito kapag humihingi ng tulong.

Hindi sinusuportahan ang Global version sa Android!

⚠️ Babala ⚠️

Kapag may umiiral kang save data, mag-set up ng Data Link o Cygames ID bago i-install ang patched na version para i-save ang progress. Naka-disable ang pag-sign in gamit ang Google account.

Kapag naka-install ang unpatched na version ng laro, kailangan mo muna itong i-uninstall. Maaaring i-update ang laro mamaya nang hindi pag-uninstall.

Hindi mo magagamit ang Google Play Store sa laro pagkatapos mag-patch, kasama ang pagbili. Gagana ang Cygames Store.

Gamit ang UmaPatcher Edge (inirerekomenda)

TIP

Sa mga Xiaomi device na hindi HyperOS, inirerekomenda namin ang Shizuku na opsyon.
Maaari mo rin subukang i-disable ang MIUI Optimizations bago mag-install, pero ire-reset nito ang lahat ng mga pahintulot ng mga app.

Ang UmaPatcher Edge ay isang installer tool na naga-automate ng pag-patch ng APK. Dina-download nito ang pinakabagong Hachimi Edge para sa iyo kapag nagpa-patch

  1. (Isang beses lang) Kapag lumilipat ka mula sa hindi Edge na UmaPatcher, buksan ang settings page nito at i-export ang signing key. Panatilihin mo ito nang ligtas, kailangan mo ito mamaya.
  2. (Isang beses lang) I-uninstall ang orihinal at hindi naka-patch na laro. Laktawan kapag na-patch mo na ito.
  3. I-download at i-install ang pinakabagong version ng UmaPatcher Edge.
  4. I-download ang (mga) game APK file, ang mga sinusuportahang format ay:
    • Split APK files: Isang base APK kasama ang mga modular APK na nakadepende sa device.
    • Single APK file: Punong APk na kasama ang lahat ng mga split APK. Deprecated.
    • XAPK file: Naka-rename na ZIP archive na may mga split APK files.

    Babala

    Kilala sa pagdudulot ng mga problema ang APKPure. Inirerekomenda ang Qoopy bilang source, gamitin ang ID 6172.

  5. Buksan ang UmaPatcher.
  6. (Isang beses lang) Kapag lumilipat o in-uninstall ang UmaPatcher, i-import ang signing key na na-export mo sa step 1.
  7. Piliin ang Normal install. Piliin ang (mga) game APK file na na-downlaod mo.
  8. Pindutin ang Patch para simulan ang proseso ng pag-patch at pag-install.
  9. (Isang beses lang) Kapag tagumpay itong natapos, kapag hindi mo pa na-save ang key, i-export ang iyong signing key mula sa settings ng UmaPatcher Edge. Panatilihin itong ligtas! Baka kailangan mo ito ulit para sa troubleshooting.

⚠️ Kailangan mo itong ulitin mula sa step 4 sa tuwing mag-update ang laro. Hindi mo kailangang i-uninstall ang laro para mag-update. Higit pang impormasyon sa pag-update.

Huwag ibahagi ang mga signing key o gamitin ang mga pre-patched na APK ng ibang tao!

Ito ay kakaiba sa bawat device at inilalagay sa APK. Magdudulot ito ng mga isyu sa pag-update.

➡ Magpatuloy sa First Time Setup.

Paggamit ng Shizuku (alternative, baka papaganahin ang store)

Maaaring i-install ang UmaPatcher Edge gamit ang Shizuku. Gumagana ito na parang "rootless direct install" at maaaring maiwasan ang ilang isyu sa pag-install.
Kung hindi mo makita ang opsyong ito, i-update ang UmaPatcher sa pinakabagong bersyon.

  1. I-install ang Shizuku.
  2. Sundan ang Shizuku activation guide para simulan ang Shizuku.
  3. Sundan ang normal na UmaPatcher Edge install guide sa itaas, pero piliin ang Shizuku Method sa step 7, dapat itong lumabas bilang 'available' ngayon.
  4. Kapag tapos na, inirerekomenda na itigil ang Shizuku at i-disable ang wireless debugging sa Developer Options.
Mag-patch nang hindi pag-uninstall + mga update sa store (kailangan ang root)

Kasama ang rooted install na opsyon sa UmaPatcher Edge na hindi nangangailangan na i-uninstall ang laro o makitungo sa mga APK, na nagbibigay-daan sa iyo na mag-update sa anumang app store.

Kapag naka-install na ang laro, i-tap ang card sa itaas ng home screen ng patcher para piliin ang app na gusto mong i-patch (kung kinakailangan). Pagkatapos, piliin ang "Direct install" bilang paraan ng pag-install at i-tap ang "Patch". Hindi kailangan ng input files.

Kailangan mo pa ring i-patch ulit ang laro gamit ang UmaPatcher sa tuwing mag-update ang laro.

Manual na pag-install (di inirerekomenda)

  1. I-build o i-download ang mga pre-built libraries sa Releases page.
  2. I-extract ang APK file ng laro. Baka kailangan mo gamitin ang apktool para dito.
  3. Palitan ang pangalan ng libmain.so file sa bawat folder sa loob ng lib sa libmain_orig.so.
  4. Kopyahin ang mga proxy libraries sa kanikanilang folder (hal. ilalagay ang libmain-arm64-v8a.so sa lib/arm64-v8a). Palitan ang pangalan nito sa libmain.so.
  5. I-build ang APK at i-install ito.

➡ Magpatuloy sa First Time Setup.