Skip to content
Android will become a locked-down platform in September 2026. This will affect Hachimi Edge. See how you can help.

Mga Plugin ​

Sinusuportahan ng Hachimi ang isang plugin system na nagbibigay-daan sa mga developer na palawakin ang functionality nito sa pamamagitan ng mga dynamic library. Maaaring kumonekta ang mga plugin sa laro, baguhin ang pag-uugali, magdagdag ng mga elemento ng GUI, at marami pang iba.

Ano nga ba ang mga plugin? ​

Mga dynamic libraries (.so file sa Android, .dll file sa Windows) ang mga plugin nag-i-integrate sa Hachimi Edge sa pamamagitan ng well-defined na API. Tumatakbo sila sa katulad na process ng laro at mat access sa powerful na features para sa pagbabago ng behavior.

Ano ang magagawa ng mga plugin? ​

May access sa komprehensibong API ang mga plugin na nagbibigay-daan sa kanila na:

  • Mag-hook at mag-inspect ng IL2CPP: Mag-intercept ng functions at i-access ang mga Unity IL2CPP class, method, at fields.
  • Magdagdag ng mga GUI Elements: Magrehistro ng mga menu items, seksyon, at magpakita ng mga notifications sa built-in GUI ng Hachimi.
  • Android DEX Loading: Mag-load at execute ng Java/Kotlin code sa Android (API v2+)
  • …at marami pang iba.

Mga konsiderasyon sa kaligtasan ⚠️ ​

Huwag mag-install ng mga plugin mula sa di-kilalang sources o hindi pinagkakatiwalaang developer.
Tumatakbo ang mga plugin na may punong access sa game process. Maaaring gawin ng mga malisyosong plugin ang:

  • Pagnanakaw ng mga kredensyal at session token ng game account.
  • Baguhin ang game data na maaaring magresulta sa pagka-ban ng account.
  • Magresulta sa pag-crash ng laro o pagkasira ng data.
  • Ipadala ang game data sa external servers.
  • Mag-execute ng arbitrary code sa loob ng pahintulot ng laro.

⚠️ KRITIKAL NA BABALA SA SEGURIDAD

Sa Windows, may BUONG ACCESS SA ADMINISTRATOR ang mga plugin sa iyong system dahil tumatakbo ang laro na may pribilehiyong admin. Maaari silang maka-install ng malware, baguhin ang mga system files, i-access ang lahat ng data mo, atbp.

Bago mag-install ng plugin, isaalang-alang muna:

  • Pagkatiwala sa pinagmulan: Gumamit lang ng mga plugin mula sa developer na pinagkakatiwalaan mo.
  • Pagpapatunay ng komunidad: Tignan kung sinuri ng komunidad ang plugin.
  • Panganib sa pag-update: Maaaring maging malisyoso ang mga dating pinagkakatiwalaang plugin.

Hindi mapapatunay ng mga Hachimi Edge developer ang mga third-party plugins at hindi sila mananagot sa anumang isyu na maaaring lumitaw sa pagkagamit mo niyan.

Mga available na plugin ​

Wala pa

Mga susunod na gagawin ​