Skip to content
Android will become a locked-down platform in September 2026. This will affect Hachimi Edge. See how you can help.

Dokumentasyon

Maligayang pagdating sa Hachimi Edge documentation page! Tignan ang lahat ng mga topics sa kaliwang sidebar. Sa mobile, mahahanap mo sila sa menu sa top left ng screen.

Pag-install ng Hachimi

Tignan ang Magsimula.

Paggamit ng Mga Plugin

Sinusuportahan ng Hachimi Edge ang isang plugin system na nagbibigay-daan sa pagpapalawak ng functionality nito.

Pag-contribute

Pakibasa ang mga docs na may kaugnayan at tignan ang mga iba't ibang git repos. Maaari kang magbukas ng Issue doon o direktang mag-send ng PR, bagama't sa karamihan ng mga kaso ay inirerekomenda na makipag-usap muna kasama ang team. Kung kailangan mo ng tulong o gusto mong makipag-ugnayan sa amin nang direkta, sumali sa aming Discord server at i-mention ang Developer role sa #feedback.

Bilang Hachimi Edge developer

Nangyayari ang mga development sa Hachimi Edge repo, na pinaka-aktibo ang paguusap sa Discord.

Bilang Hachimi Project translator

May kaugnayan ito sa sa pag-translate ng UI, site at docs, announcements sa komunidad, at pagbibigay ng user support sa Hachimi Edge. Lahat sa hindi Ingles na wika. Mag-contribute sa site repo o sumali sa Discord para magtanong tungkol sa pagbigay ng translation para sa komunidad doon.

Bilang game translator

Hindi pinapamahala ng Hachimi Edge ang mga game translations. Kung kailangan mo ng tulong para diyan, tignan ang Translation Guide at makipag-ugnayan sa isa sa mga game translation projects Maaari pa ring maging kapaki-pakinabang ang paggamit ng Discord para manatiling updated o magtanong ng mga technical na katanungan. Makipag-ugnayan sa isa sa mga 'Server Managers' para makakuha ng posisyon.

Paggawa ng sarili mong translation source

Walang project para sa iyong wika o hindi ka sumasang-ayon sa mga available? Magsimula ng iyong sarili! Kapag familiar ka na sa Translation Guide, matutuong mag-configure ng isang repo at i-submit ang iyong project sa index ng Hachimi Edge. Maaari mong tignan ang mga umiiral na projects bilang reference. Paalala: Inirerekomenda namin na manatili sa isang proyekto bawat wika kapag posible para iwasan ang fragmentation ang dobleng pagtrabaho. Kung hindi, siguraduhin na sinusundan mo ang mga tuntunin ng proyekto, huwag lang basta mag-fork.

Bilang katulong ng komunidad

Ang Hachimi Edge Discord ay nangangailangan ng mga taong tutulong sa iba sa mga tech issues, magbigay ng testing sa mga bug at feature para sa mga developer, atbp. Sumali sa aming Discord at mag-apply sa #applications-info.