Skip to content
Android will become a locked-down platform in September 2026. This will affect Hachimi Edge. See how you can help.

Pag-install ng mga plugin

Ipinapaliwanag ng guide na ito kung paano i-install at i-configure ang mga plugin para sa Hachimi Edge.

⚠️ BABALA SA SEGURIDAD

Mag-install lamang ng mga plugin mula sa mga source at developer na iyong pinagkakatiwalaan! Hindi mananagot ang mga developer ng Hachimi Edge para sa mga isyu o pinsala mula sa mga third party plugins.

Maaaring nakawin ng mga malisyosong na plugin ang mga kredensyal ng account sa laro, magresulta sa pagka-ban ng account, mag-execute ng arbitraryong code na parang galing sa laro, atbp.

🚨 Sa Windows, may BUONG ACCESS SA ADMINISTRATOR ang mga plugin sa iyong system. Maaari silang maka-install ng malware, baguhin ang mga system files, i-access ang lahat ng data mo, atbp.

Pag-install sa Windows

Sa Windows, ang mga plugin ay dapat i-configure sa config file.

  1. Hanapin ang plugin file: Dapat may .dll file ka (e.g. hachimi_myplugin.dll).
  2. Ilagay ang plugin sa hachimi folder: Ilagay ang plugin sa hachimi folder.
  3. I-edit ang config: Buksan ang config.json sa hachimi folder idagdag ang plugin name:
    json
    {
      "windows": {
        "load_libraries": [
          "hachimi\\hachimi_myplugin.dll"
        ]
      }
    }
  4. I-save at i-restart: I-save ang config file at i-restart ang laro

Pag-install sa Android

Sa Android, dapat idagdag ang mga plugin sa UmaPatcher Edge bago i-patch ang laro

  1. Ihanda ang plugin file: Dapay may .so file ka (hal. libmyplugin.so).
  2. Buksan ang UmaPatcher Edge: Buksan ang UmaPatcher Edge app.
  3. Idagdag ang plugin:
    • Sa home screen mag-scroll pababa at hanapin ang "Plugins" section.
    • I-tap ang "Add Plugin" button.
    • Piliin ang iyong .so file mula sa iyong device.
    • Idadagdag ang plugin sa listahan at naka-enable bilang default.
  4. Ipamahala ang mga plugin (opsyonal):
    • Maaari mong i-enable/i-disable ang mga plugin gamit ang checkbox sa tabi ng bawat plugin.
    • I-tap ang "Remove" para burahin ang plugin mula sa listahan.
  5. I-patch ang laro: Sundan ang normal na guide sa pag-install gamit ang UmaPatcher Edge para i-patch at i-install ang laro.
  6. I-verify: Buksan ang laro. Kapag matagumpay na mag-load ang mga plugin, makikita mo ang mga epekto nito o menu items nito sa built-in GUI ng Hachimi.

TIP

Kapag i-update mo ang laro, pinapanatili sa UmaPatcher Edge ang iyong mga plugin. I-patch lang ang bagong version at awtomatiko silang isasama.

Pag-disable ng mga plugin

Windows

  • Tanggalin ang plugin mula sa load_libraries array sa config.json.

Android

  • Buksan ang UmaPatcher Edge.
  • I-uncheck ang plugin sa Plugins section.
  • I-repatch ang laro.

Pag-troubleshoot ng plugins

Hindi naglo-load ang plugin

Sa Windows:

  • Siguraduhin na tama ang path sa config.json.
  • Siguraduhin na compatible sa iyong Hachimi version ang plugin.

Sa Android:

  • Siguraduhin na nakadagdag sa UmaPatcher Edge ang plugin bago i-patch.
  • Tignan kung compatible sa iyong Hachimi version ang plugin..
  • Subukang i-patch ulit ang laro nang naka-enable ang plugin.

Hindi gumagana o nagka-crash ang plugin

Kapag nagdudulot sa pag-crash o hindi gumagana ang plugin:

  • Makipagugnayan sa plugin author: Dapat iulat sa plugin developer ang mga isyung kaugnay sa plugin.

Mga susunod na gagawin