Skip to content
Android will become a locked-down platform in September 2026. This will affect Hachimi Edge. See how you can help.

Built-in GUI ​

Maaaring gamitin ang built-in GUI para i-activate ang ilang in-game functions at baguhin ang configuration.

GUI screenshot

Pagbukas ng menu ​

Maaaring buksan ang menu gamit ang ilang paraan, depende sa platform:

  • Android: Volume Up + Volume Down o I-triple tap ang top left
  • Windows: Right arrow key(*)

Tandaan: Habang nakabukas ang menu o isang dialog mula sa Hachimi, iba-block nito ang lahat ng input mula sa system papunta sa laro. Kailangan mo silang isara bago mo makuha muli ang kontrol.

(*) Maaaring i-rebind ang key. Tignan ang menu_open_key na opsyon sa Config page.

Panic Button ​

Kung makakuha ka ng anumang isyu dahil sa Hachimi Edge GUI, gamitin ang Panic Button key para pwersahang isara ang lahat ng mga overlay

  • Android: Pindutin nang mabilis ang Volume Down nang 4 beses.
  • Windows: Pindutin ang K + Menu Open Hotkey.

Config ​

  • Buksan ang config editor: Dito mo ma-e-edit ang config file sa laro. Tignan ang Config page para sa mga detalye tungkol sa bawat opsyon
  • I-reload ang config: I-reload ang config file mula sa disk. Ginagamit kapag nabago ang file sa labas ng editor.
  • Buksan ang setup: Binubuksan ang first time setup wizard. Maaari mong palitan ang iyong translation repo doon.

Graphics ​

Dito mo mababago ang graphics sa laro nang real time.

Pakitandaan na hindi mananatili ang mga opsyong ito at magre-reset sa susunod na pagkasimula. Para permanenteng baguhin ang mga opsyon na ito, i-edit sila sa Config Editor.

Translation ​

  • I-reload ang localized data: Para sa mga translator. Ire-reload nito ang mga translation files mula sa disk.
  • Tignan kung may update sa translations: Tinitignan nang mabilis kung may update. Efficient ito (gamit ang cache), at karaniwan itong sapat.
  • Tignan kung may update sa translations (pedantic): Magsagawa ng punong pagtingin kung may update. Sinusuri nito ang lahat ng mga file para sa posibleng isyu.

Danger Zone ​

Hindi naman sila mapanganib kapag gamitin mo sila nang mabuti; pero ito talaga ang dahilan kung bakit sila nandito. Huwag mo silang gamitin maliban kung alam mo ang ginagawa mo.

  • I-soft restart: Nagti-trigger ng error sa laro at pinipilit ang user na kumpirmahin ang restart, na nagre-restart nito pabalik sa title screen. Ito ang pinakamabilis na paraan para i-apply ang mga setting sa graphics na kung di man hindi mag-a-apply hanggang sa isara mo ang laro at binuksan muli. Huwag ito gamitin habang naglalaro, hindi mo ito makakansela.
  • Buksan ang in-game browser: (Android lang) Ligtas ito gamitin, binubuksan lang nito ang browser sa laro, na maaaring gamitin para mag-browse sa web (o maglaro ng DOOM) nang hindi umaalis sa laro. Binubuksan ang Google bilang default, maaaring i-configure. Nakalagay ito dito dahil maaari itong makialam sa dialog system ng laro. Huwag lang ito buksan habang sinusubukan ng laro na i-prompt ka para sa ibang dahilan.
  • I-toggle ang game UI: I-enable/i-disable ang lahat ng mga kasalukuyang aktibong game UI objects. Hindi maapektuhan ang anumang objects na nagawa pagkatapos i-activate. Maaaring magkamali sa pag-restore ng UI active state (hal. pag-enable ng mga object na hindi nararapat) pero hindi magreresulta sa problema sa karamihan ng mga kaso. Sa Android, maaari din ito magawa sa pamamagitan ng pag-triple-tap sa top right.