Skip to content
Android will become a locked-down platform in September 2026. This will affect Hachimi Edge. See how you can help.

Auto translation ​

Mata-translate ng Hachimi ang mga bahagi ng laro sa pamamagitan ng Sugoi Offline Translator o anumang compatible na translation server na nag-i-implement ng katulad na API (tulad ng py3translationServer).

Functionality:

  • Makakakuha ka ng mga machine translation para sa anuman na hindi pa naka-translate.
  • Papalitan ang machine translations sa aktual na translations kapag available na sila mula sa translation repo.

Mga Babala:

  • Synchronous ang proseso na ito; mag-ha-hang ang laro habang hinihintay ang translations na matapos. Mababawasan ito sa paglipas ng panahon habang mas maraming bagay ang naisasalin at kayang i-reload ng Hachimi ang mga naisalin nang datos.
  • Ang mga kagamitang nabanggit sa itaas ay nilayong gamitin sa isang PC; sa Android, maaaring kailanganin mo lang i-adjust ang sugoi_url sa address ng iyong PC na nagpapatakbo ng translation software.

Paano gamitin ​

Buksan ang Config Editor at i-enable ang isa sa mga auto translation options (Awtomatikong i-translate ang mga kwento/UI).

Babala

Hindi karaniwang inirerekomenda ang "Awtomatikong i-translate ang UI", lalo na sa mga translator na walang internal cache.

Kailangan mo ring patakbuhin ang translation program kasama ang laro

Para sa Sugoi Offline Translator ​

I-launch ang "Offline Translator" .bat sa Sugoi Toolkit. Iwanang nakabukas ang translation program/command prompt para magamit ng Hachimi ang translator (ngunit wala itong ipapakita sa anumang window).

Hindi inirerekomenda ang "Awtomatikong i-translate ang UI" sa translator na ito.

Para sa py3translationServer ​

Kung ipagpapalagay na na-set up mo na nang tama ang mga model, hindi na kailangan ng karagdagang configuration. Simulan lang ang server at baka gagana ito.

Custom na URL ​

Kapag tumatakbo ang server sa ibang port o ibang machine, baka gusto mong ipa-connect ang Hachimi sa ibang address

Para magawa ito, itakda ang sugoi_url na opsyon sa config file. Halimbawa:

json
"sugoi_url": "http://10.0.170.16:14366"

Bilang default, baka nawawala ang value na ito nakatakda sa null sa config file. Normal ito, at kokonekta pa rin ang Hachimi sa http://localhost:14366 kapag hindi ito manwal na nakatakda.