Skip to content
Android will become a locked-down platform in September 2026. This will affect Hachimi Edge. See how you can help.

Config ​

Nililista ng pahinang ito ang mga config options at nilalarawan kung saan sila ginagamit.

Mahahanap ang config file sa isa sa mga sumusunod na folder:

  • Windows: [Install folder ng laro]\hachimi\config.json
  • Android: /sdcard/Android/media/jp.co.cygames.umamusume/hachimi/config.json

Babala

Maaaring magresulta sa file corruption ang pag-edit ng file na ito gamit ang isang basic na text editor. Gumamit ng proper na text editor tulad ng Acode/QuickEdit (Android) o Notepad++ (Windows).

Tandaan: Ang ilang mga opsyong ito ay hindi available sa Config Editor at dapat manwal na idagdag.

  • debug_mode: Kapag papaganahin ang debug mode o hindi. Kasalukuyan lamang nitong pinapagana/hindi pinapagana ang debug logging.
  • translator_mode: Para sa mga translator. Nilo-log ang mga untranslated na UI strings sa console at ine-enable ang ilang features na pakipakinabang sa mga translator
  • disable_gui: Dini-disable ang built-in GUI. Pakitandaan na dini-disable din nito ang pagtingin ng update sa translations
  • localized_data_dir: Ang directory na naglalaman ng localized data. Dapat may localized data configuration file
  • target_fps: Ang target FPS sa laro. Kapag hindi nakatakda, hindi susubukang i-override ang FPS ng laro. Walang epekto kapag nakatakda ang vsync_count
  • open_browser_url: Ang URL na bubuksan kapag bunubuksan ang in-game browser mula sa GUI. Default: https://www.google.com/
  • virtual_res_mult: Ang virtual resolution multiplier. Kung kaya ito ng iyong device, magandang halaga ang 1.5 o 2; ang anumang mas mataas pa riyan ay overkill. Maaaring gamitin nang hindi isinasara ang laro sa pamamagitan ng paggawa ng "Soft restart".
  • gui_scale: Binabago ang laki ng GUI. Default: 1.0.
  • render_scale: Ang internal render resolution scale multiplier. Ang mas matataas na value ay nagpapabuti sa sharpness ngunit binabawasan ang performance ng laro. Default: 1.0.
  • msaa: Kinokontrol ang antas ng MSAA (anti-aliasing) na ginagamit ng game renderer. Ang mas matataas na halaga ay nagpapakinis ng mga edges ngunit maaaring makabawas sa performance.
  • aniso_level: Kinokontrol ang ang anisotropic filtering level para sa textures. Nagpapabuti ng texture clarity kapalit ng GPU usage.
  • translation_repo_index: Ang index URL ng translation repo. Ginagamit ng translation updater.
  • skip_first_time_setup: Kung lalaktawan ang first time setup sa startup o hindi. Awtomatikong nakatakda sa true kapag nasara na ang first time setup dialog.
  • disable_auto_update_check: Dini-disable ang auto update checks sa startup.
  • disable_translations: Dini-disable ang mga translation features.
  • disable_skill_name_translation: Dini-disable ang pag-translate ng skill names habang pinapanatiling naka-enable ang ibang translations.
  • meta_index_url: Ang meta index URL na ginagamit para kunin ang mga available na repository.
  • ui_scale: Ang UI scale factor. Default: 1.0 (walang scaling).
  • hide_ingame_ui_hotkey: Ine-enable ang internal hotkey na makakatago ng UI ng laro. Kapag naka-enable ito sa Android, maaari mo ring i-triple-tap ang top right para sa katulad na epekto.
  • graphics_quality: Mga posibleng value: Default, Toon1280, Toon1280x2, Toon1280x4, ToonFull, Max.
  • story_choice_auto_select_delay: Delay sa segundo para sa pagpili ng choice kapag ginagamit ang auto mode sa kwento. Default: 0.75 (segundo)
  • story_tcps_multiplier: Multiplier ng bilis ng text sa kwento ("typewriting count per second"). Default: 1.0
  • enable_ipc: Ine-enable ang HTTP interprocess communication server na nagbibigay-daan sa mga ibang program na kontrolin ang laro. Nilalayong gamitin ng mga translation tools.
  • ipc_listen_all: Tinatanggap ang mga IPC command mula sa anumang device sa network. HUWAG ito i-enable kapag hindi mo ito kailangan.
  • force_allow_dynamic_camera: Pinipilit ang laro na pumili ng dynamic camera (kilala rin bilang POV camera, jockey camera, atbp.) sa anumang uri ng karera.
  • live_theater_allow_same_chara: Pinipilit ang laro na payagan kang pumili ng katulad na character nang maraming beses para sa pormasyon ng live concert. Dini-disable din ang automatikong pag-save ng pormasyon. HUWAG SUBUKANG MANWAL NA I-SAVE ANG MGA DUPLICATED NA PORMASYON
  • physics_update_mode: Kinokontrol kung paano ina-update ng laro ang physics. Mga posibleng value: ModeNormal, Mode60FPS, SkipFrame and SkipFramePostAlways.
  • ui_animation_scale: Multiplier para sa bilis ng UI animation. Default: 1.0.
  • sugoi_url: Ang URL sa Sugoi Offline Translator o compatible na translation server para sa automatic translations. Hindi mo kailangang itakda ang opsyong ito kapag gumagamit ka ng tipikal na Sugoi setup. Default: http://127.0.0.1:14366
  • auto_translate_stories: Pinapayagan ang pag-translate ng mga kwento gamit ang auto translator.
  • auto_translate_localize: Pinapayagan ang pag-translate ng UI text gamit ang auto translator. Karaniwan itong HINDI inirerekomenda dahil hindi karaniwang pinapanatili ng mga translator ang line breaks o formatting tags.
  • disabled_hooks: Manwal na i-disable ang mga hook. Huwag itong pakialaman, dahil ginagamit ito bilang debug tool para sa pag-troubleshoot ng mga isyu sa compatibility.
  • enable_file_logging: Ine-enable ang pag-log sa hachimi.log sa directory ng laro. Kapag naka-disable o hindi magawa ang file, babalik lamang ang logging sa debug output lamang. Default: false.
  • lazy_translation_updates: Lalaktawan ang ang pag-redownload ng translation files na hindi pa nagbago sa repository, kahit na outdated o corrupted ang local files. Pinapabilis ang mga update ngunit iiwanan ang mga sirang file. Default: false.
  • shadow_resolution: Kinokontrol ang kalidad ng shadows. Pinapahusay ng mas-mataas na value ang shadow detail ngunit maaaring ipababa ang performance.
  • skill_info_dialog: Ine-enable ang extended na skill information dialog na nagpapakita ng karagdagang detalye tungkol sa skill kapag tinitignan sila sa laro.

Sa Windows lang ​

  • vsync_count: Ang VSync count. Itakda ito sa 1 para tumugma sa refresh rate ng iyong monitor. Sumangguni sa Unity docs para sa higit pang impormasyon.
  • load_libraries: Listahan ng libraries na ilo-load sa startup. Maaaring gamitin upang mag-load ng ibang mods. Halimbawa: ["applejuicer.dll", "banana.dll"]
  • menu_open_key: Ang Windows VK code para sa key sa pagbukas ng menu. Default: 39 (Right arrow key). Tignan ang pahinang ito para sa listahan ng lahat ng keycode.
  • auto_full_screen: Awtomatikong i-full screen ang laro tuwing tumutugma ang orientation ng laro sa orientation ng screen. Sa ngayon, walang suporta ang Hachimi para sa iba pang aspect ratio at palaging naka-scale ang full screen resolution sa 16:9. Pakitakda nang maayos ang mga value na full_screen_mode at resolution_scaling kapag ginagamit ang opsyong ito.
  • full_screen_mode: Ang fullscreen mode na gagamitin. Mga posibleng value: ExclusiveFullScreen, FullScreenWindow (Borderless full screen). Pakigamit ang ExclusiveFullScreen kapag hindi 16:9 ang aspect ratio ng iyong display, kung hindi, hindi masusukat nang maayos ang contents ng laro.
  • resolution_scaling: Mode ng resolution scaling. Mga posibleng value: Default, ScaleToScreenSize, ScaleToWindowSize. Pakigamit ang ScaleToScreenSize (inirerekomenda) o ScaleToWindowSize kapag ginagamit ang auto_full_screen sa screen na may resolution na mas-mataas kaysa sa 1080p, kung hindi, hindi masusukat nang maayos ang contents ng laro.
  • block_minimize_in_full_screen: Iba-block ang pag-minimize kapag full screen. Gamitin lamang kasama ang FullScreenWindow.
  • window_always_on_top: Panatilihin ang game window sa itaas ng ibang window.
  • disable_gui_once: Dini-disable ang built-in GUI hanggang sa susunod na pag-launch. Awtomatikong ire-reset sa false pagkatapos ng startup at pinipilit ang disable_gui: true nang isang beses. Pinapayagan ka nitong gumawa ng pagbili sa Steam store.
  • discord_rpc: Ine-enable ang Discord rich presence integration sa mga platform na hindi sinusuportahan (DMM), na nagpapakita ng kasalukuyan mong aktibidad sa Umamusume sa iyong Discord profile.